Philippine Standard Time

FOOD PACKS AND BARANGAY HOME QUARANTINE PASS DISTRIBUTION

House to house distribution ng Food packs dito sa ating Brgy. Central Signal Village. Ito po ay ang ating First Wave.

Tayo po ay mag kakaroon ng sarili nating Second Wave.Ang total ng ating First Wave ay 12,500 Food packs. Ang lahat
ng nabigyan sa First Wave ay may kasamang Quarantine Pass, per household ang nakatanggap, botante man o hindi, kasama ang
mga nangungupahan o borders pati na mga workers na nastranded dito sa ating barangay.

Para sa ating Second wave, ito ay 12,500 food packs ulit pero wala ng kasamang Quarantine Pass. Kasalukuyan po tayong nag aantay ng deliveries ng ating mga naorder para sa second wave.

Para naman sa ating mga TODA na nasasakupan ng ating Barangay Central Signal Village. Nakatanggap po ang:

SVBTODA – 10 sako ng bigas
SWSVTODA – 10 sako ng bigas
SGHQVTODA – 8 sako ng bigas
LBZ3BTODA – 5 sako ng bigas

Bukod sa mga bigas na natanggap ng mga TODA na ipapamahagi sa kanilang mga myembro taga Central Signal man o hindi, ang mga nakatira sa ating barangay ay nakatanggap din ng Food pack.

Nakikiusap po kami ulit na mag antay sa inyong mga bahay at kami muli ang maghahatid nito sa inyo. Pang unawa at pag antay ang aming hiling at pakiusap, ginagawa po namin ang lahat para maihatid ito sa bawat sulok ngating barangay. Gawin nyo din po sana ang aming pakiusap na huwag ng lumabas ng bahay kung hindi importante ang gagawin.

Tuloy tuloy din po ang pag didisinfect sa ating barangay.

Makiisa po tayo, maging disiplinado, makinig at sumunod sa ating Gobyerno at higit sa lahat tayo po ay mag dasal para sa kaligtasan ng lahat. Maraming salamat po!

God bless Brgy. Central Signal Village.

Close

How do you find the Barangay Central Signal Website?

We are still improving our user experience! Feel free to send us your feedback.

  • Terrible

  • Bad

  • Ok

  • Good

  • Great

Rate this website
Barangay Central Signal