Philippine Standard Time

Relief Operation 1-25-2020 (Bangon Batangas)

BANGON BATANGAS!
Jan. 12, 2020 – pumutok ang Bulkang Taal at lubhang naapektuhan ang ilang mga bayan ng probinsya ng Batangas.

Mahigit 80 na individual kasama na ang ilang grupo, business establishment owners, at ilang taga karatig barangay natin ang nag donate ng iba’t ibang klase ng pagkaen o groceries, bigas, masks, bottled water, hygiene items, kumot, damit, cash, nagpahiram ng sasakyan at marami pang iba.

Sa suporta ng Brgy. Council, tayo po ay nakapag labas galing sa ating stand by calamity fund ng P750,000 worth of Groceries para sa 1,500 na pamilya. (Timba, tabo, cup noodles, canned goods, kape, biscuit, bottled water, toothbrush, toothpaste, shampoo, detergent bar, dishwashing liquid, bath soap, plato, kutsara, tinidor, baso, at 15pcs gamot na biogesic at neozep).

Jan. 24, 2020 – lahat ng ating nakolektang donasyon ay tulong tulong na nirepack sa ating Dueñas Gym mula alas 4 ng hapon hanggang alas 2 ng madaling araw.Kasama natin ang mga Brgy. Staff, Leaders, SK officials at ilang Grupo ng mga kabataan.

Jan. 25, 2020 – sakay ng 4 na container truck at 1 Kia Van tayo ay nag tungo sa Batangas City at mula alas 7 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi ang inyo pong Lingkod, kasama ang ilan nating Brgy. Staff ay inihatid ang lahat ng ating nakolektang donasyon.

Kasama ang Opisyales ng Bayan ng San Nicholas Batangas, sa pakikipag tulungan ni ABC President Aquilino Luther Gahol, Jr. and Family, kasama ang ilang kapitan at local officials ng mga Barangay at Bayan ng San Nicholas diretso po natin naibigay sa mga Evacuees ang mga donasyon, inikot po natin ang ilang bayan ng batangas at direktang inabot sa mga kababayan natin na pansamantalang nakikitira sa ibat ibang mga bahay. (hindi po tayo nag baba sa mga evacuation center, ang atin pong pinriority ay ang mga evacuees na wala sa evacuation center sa kadahilanan na sila ang hindi masyadong nakakatanggap ng mga donasyon).

1,852 na grocery packs, 48 na sako ng damit at ilang mga gamit ang naibigay natin sa mga kababayan natin sa Batangas.Nakarating po mismo sa mga nangangailangan ang inyong mga iniabot na tulong. Nais ko pong ipaabot sa inyo ang pasasalamat ng mga taga Batangas na nakatanggapng inyong mga Donasyon. Sobra po ang kanilang pasasalamat.

Kayo po ay nakapag bigay tulong.

Muli po, ako ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng boluntaryong tumulong, nag bigay at nag dasal para sa ating mga kababayan sa Batangas.

BANGON BATANGAS!

Close

How do you find the Barangay Central Signal Website?

We are still improving our user experience! Feel free to send us your feedback.

  • Terrible

  • Bad

  • Ok

  • Good

  • Great

Rate this website
Barangay Central Signal